Solons dismayado sa PNP chief
MANILA, Philippines - Dismayado ang ilang kongresista sa liderato ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Raul Bacalzo sa harap ng pagkakasangkot ng ilang mga opisyal nito sa krimen at ilegal na aktibidad sa bansa.
“He should shape up the PNP asap,” hamon ni House Assistant Majority Leader at Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles kay Bacalzo. Binanggit ni Nograles ang pagkakaaresto sa kanilang lalawigan ng dalawang armadong lalaki pero nagawang makapagpiyansa at pansamantalang makalaya.
Ayon kay Nograles, lumabas sa ballistic examination sa kalibre .45 at 9mm pistola na nasamsam mula sa mga suspek na nagamit ang mga baril sa walong insidente ng summary executions sa Davao City.
“Ngunit dahil sa illegal possession of firearms lamang ang naging kaso sa dalawang suspek ay nabigyan ang mga ito ng pagkakataon na makapiyansa. Puwede rin na nagkaroon ng kapabayaan o kulang sa kaalaman sa pag-iimbestiga o dahil sa pressure ng mga pulitiko kaya magaan lang ang naging asunto,” ani Nograles.
- Latest
- Trending