Run for justice sa Vizconde inilunsad
MANILA, Philippines - Pinangunahan kahapon ni Lauro Vizconde at ng kanyang mga supporter ang “Run for justice” para sa panawagan sa Korte Suprema na baliktarin nito ang naunang desisyon na nagpapawalang- sala kay Hubert Webb at sa anim pa nitong kasamahan kaugnay sa pamamaslang sa kanyang asawa at dalawang anak noong 1991.
Kabilang sa mga supporters ni Vizconde sina running priest Robert Reyes, Dante Jimenez ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), lawyer Ferdinand Topacio, at Sanlakas spokesperson Rasti Delizo.
Ang grupo na tinawag na People’s Movement for Justice ang nanguna sa “Run for Justice” sa kahabaan ng Padre Faura street sa Manila na kinaroroonan ng gusali ng Korte Suprema.
Nagsumite rin ang grupo ng manifesto na humihiling na baligtarin ng Mataas na Hukuman ang December 14, 2010 decision nito na nagpapawalang-sala kina Webb at sa anim pa nitong mga kasama na sina Antonio Lejano, Michael Gatchalian, Miguel Rodriguez, Hospicio Fernandez, Peter Estrada, at ang dating pulis na si Gerardo Biong.
Umaasa naman si Vizconde na makakatulong ang “Run for Justice” upang makuha ang atensyon para sa kanyang motion for reconsideration.
- Latest
- Trending