MANILA, Philippines - Ipagpapatuloy ng University of the Philippines College of Law ang pagsisikhay nito sa academic excellence at serbisyo sa publiko na naipakita nito sa nagdaang siglo.
Sinabi ni Dean Marvic M.V.F. Leonen na ang centennial ay hindi lang para sa pagdiriwang ng natatanging kasaysayan ng UP Law kundi paggigiit muli ng dedikasyon ng institusyon bilang balwarte ng legal education and research sa bansa.
Ang maraming naging presidente, bise presidente, senador, kongresista, punong mahistrado at miyembro ng hudkatura na tumulong sa paghubog ng bansa sa larangang panlipunan at pulitika ay mga katibayan ng hangarin ng UP Law sa pagsisilbi sa bansa.
Nagpapatuloy rin ang kolehiyo bilang pangunahing institusyon sa abogasya na nagbibigay ng may kalidad na legal education sa mga scholar ng bansa at nangunguna sa legal at policy research and development.
Bilang pagkilala naman sa kontribusyon ng UP Law sa bansa, ipinalabas ni Pangulong Aquino noong Setyembre 9, 2010 ang Presidential Proclamation No. 32 na nagdedeklara sa taong 2011 bilang University of the Philippines College of Law Centennial Year.