^

Bansa

Commitment ng UP Law tuloy

-

MANILA, Philippines - Ipagpapatuloy ng University of the Philippines College of Law ang pagsisikhay nito sa academic excellence at serbisyo­ sa publiko na naipakita nito sa nagdaang siglo.

Sinabi ni Dean Marvic M.V.F. Leonen na ang centennial ay hindi lang para sa pagdiriwang ng nata­tanging kasaysayan ng UP Law kundi paggigiit muli ng dedikasyon ng institusyon bilang balwarte ng legal education and research sa bansa.

Ang maraming naging presidente, bise presidente, senador, kongresista, punong mahistrado at miyembro ng hudkatura na tumulong sa paghubog ng bansa sa larangang panlipunan at pulitika ay mga katibayan ng hangarin ng UP Law sa pagsisilbi sa bansa.

Nagpapatuloy rin ang kolehiyo bilang pangunahing institusyon sa abogasya na nagbibigay ng may kalidad na legal education sa mga scholar ng bansa at nangu­nguna sa legal at policy research and development.

Bilang pagkilala naman sa kontribusyon ng UP Law sa bansa, ipinalabas ni Pangulong Aquino noong Setyembre 9, 2010 ang Presidential Proclamation No. 32 na nagdedeklara sa taong 2011 bilang University of the Philippines College of Law Centennial Year.

BILANG

DEAN MARVIC M

IPAGPAPATULOY

LEONEN

NAGPAPATULOY

PANGULONG AQUINO

PRESIDENTIAL PROCLAMATION NO

SETYEMBRE

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES COLLEGE OF LAW

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES COLLEGE OF LAW CENTENNIAL YEAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with