3.4M dayuhan dumagsa sa Pinas
MANILA, Philippines - Sa kabila ng negatibong travel advisories laban sa Pilipinas, lumalabas na binalewala ito ng mga dayuhan dahil sa lalo pang pagtaas ng bilang na umabot sa 3,451,668 o mas mataas sa 2,887,303 na nagtungo sa bansa noong 2009.
Sinabi ni Immigration officer-in-charge Ronaldo Ledesma na kapuna-puna umano na ang peak o kasagsagsan ng pagdagsa ng mga foreigner sa bansa ay naganap sa last quarter ng taon, kung saan naglabasan ang negatibong travel advisories na nagsabing may banta ng terror attack sa Pilipinas.
Sa record ng BI, mula 188,028 foreign visitor arrivals noong Setyembre, umakyat ito sa 204,779 sa buwan ng Oktubre; 218,482 ng Nobyembre at 265,651 nitong Disyembre.
Nalagpasan pa umano nito ang target ng tourism department na 3.3-M tourist arrivals sa 2010.
Kabilang sa international travelers ang mga turista, investors, expatriates, estudyante at balikbayans na nakakuha ng foreign citizenship.
Ang 3.4-M ay nasa 80 % o 2.7 milyon na pumasok sa Ninoy Aquino International Airport habang ang iba ay dumaan sa iba pang paliparan tulad ng Mactan, Clark at Davao.
- Latest
- Trending