MANILA, Philippines - Nagsisimula nang malusaw ang tail end of a cold front na siyang ugat ng mga pag-uulan at landslides sa ilang bahagi ng Bicol, Visayas at Mindanao nitong nakalipas na araw, pero banta pa rin ito sa ilang bahagi ng Luzon.
Una rito, sinabi ni PAGASA officer-in-charge Graciano Yumul Jr. na ang cold front ay lumipat sa norte partikular sa Isabela-Cagayan area sa araw ng Linggo.
“It is likely to have rains in Luzon during the weekend if the high-pressure area in China weakens.” Pahayag ni Mendoza.
Kahapon sa latest monitoring ng PAGASA, ang amihan ay nananatiling nasa buong Northern at Central Luzon habang nalulusaw ang tail-end of the cold front na nakakaapekto sa Southern Luzon, Visayas at Northern Mindanao kaya maulap doon at may pag-uulan.