MANILA, Philippines - Inaprubahan ni Pangulong Aquino ang proposed fare hike sa Light Railways Transit (LRT) at Metro Railways Transit (MRT).
Sinabi ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Sec. Ricky Carandang, hindi na kaya ng gobyerno na maglaan ng subsidiya sa LRT at MRT.
Sa kasalukuyan ay umaabot sa P7 hanggang P8 bilyon ang nagiging subsidy ng gobyerno sa bawat pasahero ng LRT at MRT.
Hindi naman binanggit ni Carandang kung magkano ang magiging bagong pamasahe sa LRT at MRT dahil DOTC na ang maghahayag nito sa susunod na mga araw.
Sinabi din ni Carandang na humahanap ng ibang opsyon ang gobyerno upang hindi mabigatan ang mga motorista sa ipinatupad na toll hike sa mga expressways.