P60 taas pasahe sa provincial buses hirit
MANILA, Philippines - Nagsampa ng petisyon kahapon sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang may 20 bus company na pinamumunuan ng South Luzon Bus Operators Association (Soluboa) para sa P60 taas pasahe sa unang 26 na kilometro para sa mga provincial airconditioned bus na dati ay may halaga lamang na P35.00
Bukod dito, nais din ng naturang bus group na gawing P2.50 ang dagdag sa bawat succeeding kilometer na dati ay may halagang P1.65 lamang.
Ang fare hike petition ng mga bus ay ginawa nang pormal nang ipatupad noong Enero 1, 2011 sa SLEX ang pagsingil sa mga “Class 2” vehicles o mga pampasaherong bus ng P282 toll fee mula sa dating P173 rate mula Nichols puntang Calamba.
Sa provincial ordinary buses, nais naman ng bus group na itaas sa P11.5 mula sa kasalukuyang P9 ang singil sa pasahe sa bawat unang 5 kilometro at nais nilang gawing P1.80 sa succeeding kilometer mula sa kasalukuyang P1.30.
- Latest
- Trending