^

Bansa

Sablay ng PNP sa 2010, ibabangon

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Determinado ang Philippine National Police (PNP) na bumangon sa pagsablay nito sa mga operasyon sa nakalipas na taon kaakibat ng  pagsikat ng bagong pag-asa sa 2011.

Ito ang mensahe kahapon ni PNP Chief Director General Raul Bacalzo sa kapulisan na aminadong puno ng mga pagsubok ang PNP sa nagdaang 2010 sa hinarap na maraming mga krisis.

Tinukoy ni Bacalzo na kabilang sa kamalian ng PNP ay ang pumalpak na rescue operations sa  Manila hostage crisis na ikinasawi ng 8 Hong Kong tourist at  ang hostage taker na si dating Sr. Inspector Rolando Mendoza noong Agosto 23, 2010 gayundin sa mga operasyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

“We are tested with several crisis in 2010, including the Manila hostage crisis. It brought to light the operational weaknesses that we need to move on , we learned from our experience,” ani Bacalzo.

Sinabi ni Bacalzo na mula sa pagsablay ng PNP sa mga operasyon nito sa nagdaang 2010 ay  babangon sila sa pamamagitan ng pagtatama sa mga kamalian.

“We will face the new year 2011 with new energy and new synergy and good service, we will work harder for transformation to take root , we will give our best in the face of crisis “, pagbibigay diin pa ng PNP Chief.

Samantalang hinggil naman sa pagkalimot sa disiplina ng ilang mga tiwaling pulis na naliligaw ng landas , tiniyak ni Bacalzo na kakalusin ang mga ito at pananagutin sa mga kapalpakan habang ipaalala naman sa iba pa na panatilihin ang maayos na serbisyo publiko.

AGOSTO

AUTONOMOUS REGION

BACALZO

CHIEF DIRECTOR GENERAL RAUL BACALZO

DETERMINADO

HONG KONG

MUSLIM MINDANAO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SR. INSPECTOR ROLANDO MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with