CPP-NPA humina na

MANILA, Philippines - Humina na ang puwersa ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) at hindi na banta sa seguridad ng bansa kundi hadlang sa pagsulong ng ekonomiya.

“At this point the CPP-NPA-NDF is not anymore a major security threat, but rather a threat to further economic development,” pahayag ni AFP spokesman Brig. Gen. Jose Mabanta.

Sinabi ni Mabanta na sa ginawa ng mga rebelde, kailangang mamili ang mga mamamayan kung saan sila dapat pumanig, kung sa grupo na ang layunin ay rebolusyon o ang pamahalaan na nagnanais ng katahimikan ng bansa.

Wala umanong ipinapakitang programa ang mga rebelde kundi ang panghihingi ng revolu­tionary tax na isang malinaw na pangingikil o extortion, paggawa ng landmine, at iba pa.

Habang ang kanilang kagawaran anya ay naglu­lunsad ng programa para sa kapayapaan na higit na kailangan ngayon ng ating bansa.

Gayunman, nilinaw ni Mabanta na sa kapaya­paan din kung kaya suportado nila ang peace talks sa makakaliwang grupo, subalit magpapatuloy ang ka­nilang operasyon­ kung patuloy na gumagawa ng karahasan ang mga rebeldeng komunista.

Show comments