Firecracker zone sa bawat bgy. ipatutupad
MANILA, Philippines - Upang makaiwas sa anumang aksidente sa pagsalubong ng bagong taon ay mahigpit na ipatutupad ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang “firecracker zone” sa bawat barangay.
Ayon kay Echiverri, ito ang naisip na paraan ng lokal na pamahalaan upang makaiwas sa anumang posibleng aksidente ang mga residente sa pagsalubong ng mga ito sa pagdating ng taong 2011.
Sa pamamagitan ng “firecracker zone”, magtatakda ang lokal na pamahalaan ng mga lugar sa bawat barangay kung saan maaari lamang magpaputok ang mga residente upang maiwasan ang makaaksidente habang nagpapaputok.
Sinumang mahuhuli ay nakatakdang parusahan base na rin sa nakasaad sa batas kaya’t pinayuhan ni Echiverri ang mga residente na sumunod na lamang sa kautusan upang hindi na magambala ang mga ito.
“Para sa kaligtasan na rin nating lahat ang pagpapatupad ng firecracker zone kaya’t huwag na sana tayong lumabag sa batas upang hindi na rin maperwisyo ang pagsalubong natin sa taong 2011,” sabi ni Echiverri.
- Latest
- Trending