^

Bansa

Walang fare hike sa LRT, MRT

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Hindi sasalubungin ng mataas na pasahe sa Light Rail Transit at Metro Rail Transit ang mga mananakay nito sa taong 2011.

Ito ang sinabi kahapon ni Department of Transportation and Communications (DOTC) Undersecretary Dante Velasco kung saan ikinatwiran na dadaan pa umano sa deliberasyon ang LRTA Board ang anumang pagtataas sa pasahe sa mass transit.

Bukod dito, kinakaila­ngan pang isailalim sa “public hearing” ang anu­mang halaga ng pagtataas sa lahat ng sektor sa transportasyon upang hindi magkaroon ng kalituhan at reklamo.

Nitong nakaraang Martes, sinabi ni Transportation Secretary Jose de Jesus na posibleng bulagain ng bagong halaga sa pasahe ang mga sumasakay sa LRT at MRT sa Enero ngunit hindi naman umano magiging malaki ang pagtataas.

May mga ulat na aak­yat sa P18 ang minimum na halaga ng pasahe at hindi tataas sa P30 ang maximum. Ngunit sinabi ni Velasco na kailangan pa umanong rebisahin at muling magkaroon ng komputasyon upang makara­ting sa eksaktong halaga na makukuha ang presyo para sa gastusin sa mass transit at hindi mahirapan ang mga pasahero.

Unang pumutok ang isyu ng pagtataas sa pasahe sa LRT at MRT nang targetin ng Malacañang ang pagbabawas sa subsidiya na ibinibigay ng pamahalaan upang makatipid sa pondo. Sa ilalim ng natu­rang sistema, pinupunan ng gobyerno ang pagkukulang sa kita ng LRT at MRT na buhat naman sa buwis ng lahat ng Pilipino kahit hindi nakikinabang sa mass rail  transit.

Bumibiyahe ang LRT 1 mula Roosevelt sa Quezon City hanggang Baclaran, Pasay City; ang LRT 2 mula Santolan, Marikina hanggang Recto, Maynila; at MRT 1 mula North Avenue, Quezon City hanggang Taft Ave., Pasay City.

BACLARAN

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

LIGHT RAIL TRANSIT

METRO RAIL TRANSIT

NORTH AVENUE

PASAY CITY

QUEZON CITY

TAFT AVE

TRANSPORTATION SECRETARY JOSE

UNDERSECRETARY DANTE VELASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with