Glorietta probe pinalawig
MANILA, Philippines - Aaprubahan ng Department of Justice ang kahilingan ng investigating panel na karagdagang isang buwang palugit para sa imbestigasyon ng Glorietta 2 bombing.
Sinabi ni Justice Secretary Leila De Lima na makatwiran naman ang mga dahilan ni Senior State Prosecutor Peter Ong, lead investigating fiscal sa kaso ng Glorietta blast.
Ayon pa kay De Lima, sa mga paunang imbestigasyon na kanilang isinagawa, hindi sumipot si retired Army Col. Allan Sollano, ang nagsasabing bomba ang dahilan ng pagsabog.
Sa pahayag naman ng abogado ni Sollano na si Egbert Buenviaje, ang hindi pagsipot sa hearing ng kaniyang kliyente ay dahil sa pagbabanta sa kaniyang buhay.
- Latest
- Trending