'Maulan sa Bagong Taon' - PAGASA
MANILA, Philippines - Magiging maulan sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon kay Elvie Enriquez, weather forecaster ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, ito ay dahil sa tail-end of a cold front na nakakaapekto sa Luzon at sa wind convergence na nakakaapekto sa Visayas na nagdadala ng mga pag-ulan sa nabanggit na mga lugar.
“Sa Eastern Visayas, baka magkaroon ng flash floods and landslides, magiging maulan ang kanilang New Year,” dagdag ni Enriquez.
Sinabi niya na ang naturang tail-end of a cold front na may dalang mga pag-uulap sa kalangitan ang siyang ugat ng pag-ulan sa Northern Luzon.
Gayunman, wala namang bagyo na palapit sa bansa.
Kahapon, ang buong bansa ay maulap ang kalangitan na may kalat kalat na pag-ulan lalo na sa Metro Manila.
Katamtaman hanggang sa banayad ang karagatan.
- Latest
- Trending