^

Bansa

"Rizal Park New Year Countdown to 2011"

-

MANILA, Philippines - Inanyayahan kaha­pon ng pamunuan ng Na­tional Parks De­ve­lop­ment Committee (NPDC) ang publiko na makisaya, makisayaw at maki-awit sa “Rizal Park New Year Countdown to 2011” na gagawin sa Rizal Park Musical Dancing Fountain upang salubungin ang Bagong-Taon.

Ayon kay NPDC Exe­­cutive Director Juliet Villegas, ang natu­rang event ay inihanda ng Department of Tou­rism-National Capital Re­gion (DOT-NCR) at NPDC upang bigyan ka­­siyahan ang mamamayan Pilipino.

Bahagi ng nasabing event ay ang free concert show tampok si Lady Valerie and Orchestra, magdamagang “Dance Party” para sa mga kabataan at ang makulay na Fire Works Display. 

Bukod kay Villegas, pangungunahan rin ni Tourism Secretary Alberto Lim ang “Rizal Park New Year Countdown to 2011” na magsisimula sa ganap na alas-9 ng gabi sa December 31, 2010 habang ang Radio DJ at TV Reporter na si Leila Chikadora naman ang siyang magsisilbing event host.

Layon rin umano ng nasabing event na hikayatin ang mamamayang Pilipino na iwasan ang paggamit ng anumang uri ng paputok na siyang nagi­ging sanhi ng maraming kaso ng disgrasya tuwing sasalubungin ang bagong-taon.

“Instead na magpa­putok at makadisgrasya, ay hilahin at anya­yahan natin ang buong pamilya na makisaya, ma­kisayaw, makikanta at mag-ingay sa pamamagitan ng inyong mga torotot sa ating inihandang “Rizal Park New Year Countdown to 2011” na gagawin sa December 31, sa ganap na alas-9 ng gabi sa Rizal Park Central Lagoon kung saan makikita ang ating Rizal Park Musical Dancing Fountain. Libre po ito at tiyak na inyong kagigiliwan,” pahayag ni Villegas.  

Samantala, hinikayat naman ni Villegas ang mga bibisita na magdala ng kani-kanilang mga plastic bag upang magamit na basurahan matapos na humakot ng may halos 2 toneladang basura matapos ang Christmas celebration.

vuukle comment

DANCE PARTY

DEPARTMENT OF TOU

DIRECTOR JULIET VILLEGAS

FIRE WORKS DISPLAY

LADY VALERIE AND ORCHESTRA

LEILA CHIKADORA

RIZAL PARK MUSICAL DANCING FOUNTAIN

RIZAL PARK NEW YEAR COUNTDOWN

SHY

VILLEGAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with