Ginang lumaklak ng piccolo, todas
MANILA, Philippines - Kinumpirma ni Department of Health-National Epidemiology Center head Dr. Eric Tayag ang pagkamatay ng isang 44-anyos na ginang matapos na makainom ng tubig na may pulbura ng piccolo sa lalawigan ng Bulacan.
Ayon kay Tayag, ito ang kauna-unahang “fireworks-related fatality” na naitala ng kagawaran.
Pero batay umano sa imbestigasyon, sinasabing suicide ang pagkamatay ng biktima kung saan mahigit 50 sticks umano ng piccolo ang binuhos nito sa tubig na ininom.
Bagama’t isinugod pa sa PGH ang biktima ay hindi na ito naisalba ng mga doktor.
Samantala, umakyat na sa 66 katao ang naitalang sugatan kaugnay pa rin sa pagdiriwang ng holiday season.
Mula Disyembre 21-25 ay tumaas na sa 61 katao ang naisugod sa ospital dahil sa mga fireworks habang dalawa ang biktima ng stray bullets.
Kabilang umano sa tinamaan ng ligaw na bala ay isang 14 anyos na batang lalaki malapit sa isang simbahan sa lungsod ng Maynila.
Dahil dito, sinabi ni Tayag na marami namang paraan upang salubungin ang bagong taon na hindi gumagamit ng anumang paputok.
- Latest
- Trending