MANILA, Philippines - Muling niyanig ng kambal na lindol ang Surigao City kahapon ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), unang naramdaman ang lindol sa lakas na 2.9 magnitude ganap na 12:12 ng hatinggabi, kung saan may lalim itong 14 kilometro.
Nasundan ang lindol bandang 2:57 ng madaling araw, kung saan mas malakas ang pagyanig na pumalo sa 3.3 magnitude at may lalim na 15 kilometro.
Pawang tectonic ang origin ng naturang mga lindol at ito ay bahagi pa rin ng mga naunang lindol.
Wala namang napaulat na napinsala ang naturang lindol magign sa mga tao at sa mga ari arian.