^

Bansa

'Disiplinahin ang hanay'

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Pinagsabihan kahapon ng liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na disiplinahin ang kanilang hanay kaugnay ng mga paglabag sa umiiral na ceasefire.

Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Jose Mabanta, posibleng hindi kontrolado ng NPA ang kanilang mga tauhan kaya ay mga red fighters na nasasangkot sa karahasan sa kabila ng tigil putukan.

“We would like to remind the hierarchy of the CPP-NPA-NDF  to  please ensure that the ceasefire as its end, is implemented at the lowest level, we believe the good intensions of the leadership of the CPP-NPA,” anang AFP Spokesman.

Ang tigil putukan ay idineklara ng pamahalaan umpisa nitong nakalipas na Disyembre 16 na tatagal hanggang Enero 2011. 

Kabilang sa mga paglabag ng NPA rebels sa ceasefire ang pananambang ng mga ito sa CAFGU member na si Larry Bustamante, nakatalaga sa Army’s 12th Infantry Battalion (IB) sa 3rd Infantry Division sa Brgy. Humay-Humay, Guihulngan, Negros Oriental.

Masuwerte namang nakaligtas sa insidente si Bustamante.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

BRGY

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

JOSE MABANTA

LARRY BUSTAMANTE

NEGROS ORIENTAL

NEW PEOPLE

SPOKESMAN BRIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with