MANILA, Philippines – Ipinagharap kahapon ng Department of Finance Revenue Integrity Protection Service (DOF-RIPS) ng kasong administratibo at kriminal ang tatlong mataas na opisyal ng Bureau of Customs (BOC) sa Office of the Ombudsman dahil sa illegal na pagkuha ng mga sample ng articles mula sa isang nahuling shipment.
Kabilang sa kinasuhan ng paglabag sa Tariff Customs Code of the Philipines, dishonesty at gross misconduct sina gross Mitchell Verdeflor, intelligence officer I; Eric Albano, intelligence officer IV at Jover Jordan, clerk II.
Base sa 14 na pahinang complaint affidavit na inihain nina DoF-RIPS intelligence officers Oscar Moratin at Crispin Velarde lumabas na kumuha si Verdeflor at iba pang respondents ng samples sa isang 1x40 container para umano sa legal verification ng articles na susuriin CIIS.
Ang 1x40 container ay naglalaman ng mga household items ay nakaconsign sa Quick Flo Trading na una nang hinarang sa Port of Manila mula sa bansang Singapore noong Pebrero 6, 2010 subalit lumalabas sa resulta ng Container Inspection System Image na hindi naman ito naglalaman ng mga kontrabando.
Dahil sa naging hold order ay nagsagawa ng physical examination sa kargamento na ginawa sa warehouse 159 ngunit nang kunin ang mga kargamento ay hindi naman ito dumaan sa tamang proseso.
Subalit natuklasan na kinuha nina Verdeflor ang mga articles nang hindi man lang lumagda bilang requesting party sa sample receipts.
Binigyang diin ng mga complainant na kung maganda ang intensiyon nina Verdeflor sa pagkuha ng sample sa warehouse ay hindi tatangkain ng mga ito na pagtakpan kung ano tunay na nangyari.