MANILA, Philippines – Wala nang stylist si Pangulong Benigno “P-Noy” Aquino III matapos itong kumpirmahin ng bunso niyang kapatid na si Kris Yap.
Sinabi ni Kris na hindi na stylist ng Pangulong Aquino si Liz Uy.
Ayon kay Kris, si Liz Uy ay stylist na lamang niya at hindi na ito stylist ng Pangulo.
Magugunita na napabalitang binasted ni Uy si Pangulong Aquino makaraang makipag-break ang Punong Ehekutibo kay Valenzuela City Councilor Shalani Soledad.
Hindi naman binanggit ng bunsong kapatid ng Pangulo kung nagbitiw o sinibak si Uy bilang stylist ng Pangulo.