4,000 batang kalye binigyan ng party
MANILA, Philippines – Mahigit 4,000 mga bata ang nakisaya sa grand Christmas party na inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga street children sa Quezon memorial circle, kahapon.
Ayon kay DSWD Secretary Dinky Soliman, ang mga street children mula sa ibat ibang lungsod sa Metro Manila para sa nasabing programa na tinawag nilang “Paskong ligtas sa batang kalye.”
Tampok sa aktibidad ang pagbibigay ng regalo sa mga bata, games, storytelling at mga special numbers para pasayahin ang mga street children.
Personal ding makikiisa sa programa sina Presidential Sisters Ballsy Cruz at Pinky Abellada.
Sinabi pa ni Soliman na ang nasabing aktibidad ay bahagi ng komprehensibong programa ng DSWD para sa mga street family.
Plano umano nilang gawin nang nationwide at taun-taon ang pagdaraos ng party para sa mga batang-kalye.
- Latest
- Trending