^

Bansa

Overloading ng cargo trucks bawal na

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines –  Mahigpit nang ipagbabawal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang overloading sa mga cargo truck.

Sinabi DPWH Secretary Rogelio Singson, ipapatupad na ang patakaran kontra overloading sa unang araw ng Pebrero sa susunod na taon.

Ang nasabing direktiba ay inihayag ni Singson sa idinaos na dayalogo ng DPWH sa pagitan ng mga miyembro ng Confideration of Truckers Association of the Philippines (CTAP) kaugnay sa mahigpit na implementasyon ng Republic Act 87-94 o Motor Vehicle Users Charge (MVUC) law.

Kabilang din sa mga dumalo sa dialog si dating LTO Chief Assistant Secretary Alberto Suansing, mga kinatawan ng Integrated North Harbor Truckers Association, Association of Intergrated Truckers of Montalban Aggregates at South Luzon Tollways Corporation.

Pinag-usapan ang mga pangunahing sanhi ng mga overloaded freight at cargo mula sa mga pantalan at upang maresolba ang isyu, iinspeksyunin na ng DPWH ang gross vehicle weight ng mga cargo truck direkta mula sa pinanggagalingan ng cargo.

Sa ilalim ng MVUC law, pinagbabawalang dumaan sa mga pangunahing lansangan at tulay ang mga truck na may kargang mahigit sa 13,500 kilograms per axle.

Paliwanag ni Singson, lumalabas kasi sa pag-aaral ng DPWH na 50 porsiyento ng mga cargo truck na dumaraan sa mga national road ay overload na nagiging sanhi ng maagang pagkasira ng mga kalsada.

ASSOCIATION OF INTERGRATED TRUCKERS OF MONTALBAN AGGREGATES

CHIEF ASSISTANT SECRETARY ALBERTO SUANSING

CONFIDERATION OF TRUCKERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

INTEGRATED NORTH HARBOR TRUCKERS ASSOCIATION

MOTOR VEHICLE USERS CHARGE

REPUBLIC ACT

SECRETARY ROGELIO SINGSON

SINGSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with