Taas pasahe hirit ng mga taxi sa probinsiya

MANILA, Philippines –  Humihirit na rin ng taas pasahe ang mga taxi operator ng ibat ibang lalawigan partikular sa Baguio, Davao, Cebu, Panay at Negros dahil sa pagtaas ng halaga ng  petroleum pro­ducts at bilihin.

Ayon kay Atty. Ma­nuel Iway, board member ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), naisampa na ng mga ope­rator ang kani-kanilang petisyon sa ahensiya para sa fare hike.

Sa Baguio City, mula sa P25 flag down rate sa taxi, nais ng mga ope­rator na gawin itong P30 para sa unang 500 metro.

Ayon kay Iway, mura ang pamasahe ng taxi sa Baguio City dahil hindi na sila gumagamit ng aircon dahil sa malamig ang panahon doon.

Iginigiit naman ng mga taxi operator ng Davao, Cebu, Panay at Negros na dapat nang itaas sa P40 ang flag down rate mula sa kasalukuyang P30.

Bukod pa ito sa hiling nilang gawing P3.50 ang kada patak ng metro mula sa dating P2.50

Show comments