Garcia nagpiyansa

MANILA, Philippines - Isang araw matapos umamin si dating AFP Comptroller Maj. Gen. Carlos Garcia, pinayagan ito ng Sandiganbayan 2nd division na makapagpiyansa ng halagang P60,000 para pansamantalang makalaya at makasama ang pamilya sa panahon ng Kapaskuhan.

Binigyan na ng kopya ng graft court ng release order ang abogado ni Garcia at ang PNP Custodial Center sa Camp Crame kung saan doon nakapiit si Garcia.

Si Garcia ay nag-plead guilty para mababaan ang parusa sa kanyang dalawang kaso sa Sandiganbayan kaugnay ng direct bribery at paglabag sa Anti-Money Laundering Act.

Show comments