'Oplan Laban sa Isnabero' inilunsad ng DOTC
MANILA, Philippines - Pormal nang inilunsad kahapon ng Department of Transportation and Communication (DOTC) ang “Oplan Laban sa Isnabero” sa gusali ng Land Transportation Office sa East Ave., Quezon City.
Pinangunahan nina DOTC Secretary Jose de Jesus, DOTC Usec. Dante Velaso, LTO Chief Virginia Torres at LTFRB Chairman Nelson Laluces ang programa na hudyat para hulihin ang mga isnaberong taxi drivers ngayong holiday season.
Sinabi ni de Jesus na ang hakbang ay hindi lamang ngayong panahon ng Kapaskuhan kundi ito ay patuloy nang gagawin ng DOTC personnel at LTO enforcers para mapangalagaan ang kapakanan ng mga pasahero.
Sinabi ni Torres na hindi lamang mga malls at bus terminals ang target na puntahan ng composite team kundi maging mga ports kung saan iniisnab ng mga taxi drivers ang mga pasaherong mula sa mga barko, gayundin sa airports sa ilalim ng Bantay Daungan at Bantay Sakayan sa airports at bus terminals gayundin ng Edsa Kalikasan ng LTO.
Maaaring itawag ang reklamo sa 0917-2470385 (Globe) at 0919 2227462 (Smart) o sa DOTC Action Center 7890 na bukas 24/7.
Sinabi naman ni Chairman Laluces na sa taxi operator ang 1st offense ay P3,000; 2nd offense P4,000 at P5,000 sa 3rd offense.
Sa panig ng driver ay 15 araw na suspended ang drivers license sa 1st offense, 30 days sa 2nd at revocation ng license sa 3rd offense.
May 1,800 taxi drivers na ang nahuhuli ng DOTC sa kasalukuyan kaugnay ng Oplan Isnabero campaign ng naturang ahensiya.
- Latest
- Trending