^

Bansa

Garcia naghain ng 'guilty plea'

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Naghain ng guilty plea si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) comptroller Gen. Carlos Garcia sa Sandiganbayan kaugnay ng kinakaharap na kasong indirect bribery.

Gayunman, niliwanag ng panig ng prosekusyon mula sa tanggapan ng Ombudsman na inaasahan na umano nila ang nasabing pag-amin ni Garcia bilang bahagi ng plea bargaining agreement. Itinanggi naman ng mga ito na idetalye ang nasabing kasunduan.

Si Garcia ay nahaharap din sa hiwalay na plunder case kaugnay sa sinasabing pagkamkam nito ng mahigit P302 million habang ito ay nasa serbisyo pa ng AFP.

Magugunitang nagkaroon na umano ng kasunduan si Garcia at ang Ombudsman kung saan aaminin nito ang “lesser offense” at ibabalik ang P50 million sa gobyerno, kapalit ng pagbasura sa plunder case.

Batay sa batas, ang kasong indirect bribery ay may parusang anim na taong pagkakakulong. Sakaling totoo ang mga ulat, maari ng makalaya si Garcia ngayong taon dahil simula pa noong 2004 ay nakakulong na ito.

Bukod kay Garcia, dawit din sa plunder char­ges ang asawa nitong si Clarita at tatlong anak na sina Ian Carl, Juan Paulo at Timothy Mark.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BATAY

BUKOD

CARLOS GARCIA

CLARITA

GARCIA

IAN CARL

JUAN PAULO

SI GARCIA

TIMOTHY MARK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with