^

Bansa

Nakulong ng walang kasalanan dapat bayaran

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Isang araw matapos mapawalang-sala ng Su­­preme Court si Hubert Webb at anim pang aku­sado sa 1991 Vizconde massacre, iginiit ni Se­n. Jinggoy Estrada na dapat magkaroon ng batas na mag-uutos sa gobyerno na bayaran ang mga na­bilanggo pero napatuna­yan na wala namang ka­sa­lanan.

Sa Senate Bill 432 na inihain ni Estrada, sinabi nito na dapat itama ng estado ang pagkakamali sa isang indibiduwal na napagkaitan ng hustisya at nakulong pero napatunayang hindi guilty sa ibinibintang na krimen.

Ayon kay Estrada ba­gaman at nakapiring na babae ang kumakatawan sa justice system ng bansa, hindi ma­iiwasan na magkaroon ng pagkakamali ang hus­gado sa pagpapataw ng parusa kaya may nakukulong ng walang kasalanan.

Kung magiging batas, ang Department of Justice ang mangangasiwa sa pagbabayad sa indibiduwal na nakulong pero napatunayan na wala namang kasalanan.

Ibabatay ang mone­tary compensation sa ha­laga ng kinikita ng akusado bago siya nabilanggo.

AYON

DEPARTMENT OF JUSTICE

ESTRADA

HUBERT WEBB

IBABATAY

ISANG

JINGGOY ESTRADA

SA SENATE BILL

SHY

VIZCONDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with