^

Bansa

Hayden Kho abswelto sa sex video

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Ibinasura ng Pasig City Regional Trial Court ang kasong kriminal at sibil na isinampa laban sa doktor na si Hayden Kho ukol sa pagpapakalat umano nito ng kanilang sex video ng aktres na si Katrina Halili noong nakaraang taon.

Sa 10-pahinang desisyon na inilabas ni Judge Rodolfo Bonifacio, ng RTC branch 159, dinismis nito ang kaso laban kay Kho makaraang mabigo umano ang panig ng prosekusyon na makapaglabas ng sapat na ebidensya na hindi alam ni Halili na kinukunan ng video ang kanilang pagtatalik.

Sinampahan ni Halili si Kho ng kasong paglabag sa Republic Act 9262 o “Anti-Violence Against Women and Children Act, dahil sa walang paalam na pag-video ng kanilang pagtatalik at pagpapakalat nito sa internet.

Sinabi pa ng korte na ibinase rin nito ang desis­yon sa ginawang “ocular inspection” sa kuwarto kung saan naganap ang pagtatalik ay hindi umano maaaring hindi malaman ni Halili ang presensya ng video recorder na nakapatong lamang sa isang lamesa may limang talampakan ang layo sa kama.

“There was no need to belabor the obvious: the video camera was there visible to both of them, it was aimed at the direction of the bed, and it was already the fourth occasion when their libidinous activities were recorded in video,” ayon pa sa ruling.

Ikinatuwa naman ng kampo ni Kho ang desisyon ng korte.  Sinabi ni Atty. Lorna Kapunan na gagamitin nila ang desisyon ng korte para kumbinsihin ang Professional Regulation Commission (PRC) para tanggalin na rin ang rebokasyon ng “medical license” ni Kho.

ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN AND CHILDREN ACT

HALILI

HAYDEN KHO

JUDGE RODOLFO BONIFACIO

KATRINA HALILI

KHO

LORNA KAPUNAN

PASIG CITY REGIONAL TRIAL COURT

PROFESSIONAL REGULATION COMMISSION

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with