^

Bansa

Pamilya Webb nasa 'Cloud 9', Lauro Vizconde hinimatay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Magkasalungat na emosyon ang naramdaman ng magkabilang panig ng pamilya Webb na animo’y nasa “Cloud 9” habang umiyak at hinimatay naman sa sama ng loob ang biyudong si Lauro Vizconde makaraang ipawalang-sala ng Korte Suprema sina Hubert Webb at mga kasamahan nito sa kaso kaugnay ng “Vizconde massacre”.

“Kami right now are on Cloud nine. Bago sa lahat, there is so much to be thankful for,” ayon kay dating Senador Freddie Webb na nagsabing ipinaubaya na umano nila sa Panginoon ang kahihinatnan ng kaso bago ang desisyon ng korte.

Nakikidalamhati rin umano ang kanilang pa­milya kay Lauro Vizconde na hindi pa nahahanap ang katarungan sa pagkasawi ng kanyang asawa, at dalawang anak. Hindi umano maikukumpara ang paghihirap na natamo nila sa 15 taong pagkakulong ni Hubert sa paghihirap ni Vizconde na nawalan ng buong pamilya. 

Dakong alas-3:30 ng hapon nang duma­ting sa National Bilibid Prison (NBP) ang release order habang alas-4 ng hapon ganap na nakalaya ang mga akusadong sina Webb; Antonio “Tony Boy” Lejano; Michael Gatchalian ; Miguel Rodriguez; Peter Estrada; Pyke Fernandez, at dating pulis na si Gerardo Biong. Nadetine ang mga akusado sa loob ng 15 taon.

Sinabi naman ni Hubert na gugugulin niya ang kanyang panahon para sa kanyang 17-anyos na anak na lalaki na napilitan niyang itago sa mata ng publiko noong 2-anyos pa lamang ito upang hindi madamay sa galit ng taumbayan nang unang pumutok ang akusasyon sa pagkakasangkot niya sa masaker.      

Idinagdag naman ng kapatid ni Hubert na si Fritz na maagang pamasko sa kanilang pamilya ang pagpapalaya rito. Umaasa rin umano sila na mabibigyan ng pagkakataon si Vizconde na makilala at mahabol ang mga totoong may kagagawan ng krimen sa kanyang pamilya.

Plano ngayon ng pa­milya Webb na magsampa naman ng kaso laban sa naging star witness na si Jessica Alfaro upang mapagbayaran umano nito ang pagkasira ng buhay ng mga inakusahan nito sa loob ng 15 taon.

Samantala, hinimatay si Vizconde sa loob ng tahanan nito habang kinakapanayam ng media matapos ang desisyon ng korte. Sinabi ng umiiyak na si Vizconde na hindi na siya naniniwala sa katarungan sa bansa at wala na siyang panawagan pa sa pamahalaan.

Nagpahiwatig rin ito na namayani umano ang kapangyarihan ng pera sa mga korte at naniniwala siya na nababayaran umano ang mga huwes.

Sinabi naman ni Bureau of Corrections Director Ernesto Diokno na naging mababait na bata ang mga akusado habang nakadetine sa NBP. Partikular dito si Webb na naging miyembro pa ng NBP Fire Brigade team.

BUREAU OF CORRECTIONS DIRECTOR ERNESTO DIOKNO

FIRE BRIGADE

GERARDO BIONG

HUBERT

LAURO VIZCONDE

SINABI

VIZCONDE

WEBB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with