14th month pay ibinigay sa Caloocan employees
MANILA, Philippines - Matatanggap na ng mga kawani ng Caloocan City Hall ang kanilang 14th month pay at iba pang kaukulang bonus matapos aprubahan ng Sangguniang Panglungsod ang kanyang hinihiling na karagdagang pamasko at benepisyo sa mga empleyado ng siyudad.
“Mga mahal kong kawani ng Lungsod Caloocan, I have approved the release of the 14th month pay and additional P2,000 productivity to all regular employees at dagdag na P3,500 ngayong buwan ng Disyembre sa lahat ng job order,” ani Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa mga empleyado ng siyudad.
Ayon kay Mayor Echiverri, ginawa niya ang naturang hakbang upang maibsan ang paghihirap ng mga kawani ng lungsod lalo’t alam naman ng lahat ng pahirap na pahirap ang buhay sa ngayon.
Sinabi pa ni Echiverri, na ito rin ang kanyang sukli at regalo sa mga kawani ng siyudad na patuloy na sumusuporta at nagtataguyod ng malinis na pagpapatakbo ng pamahalaan sa Caloocan.
- Latest
- Trending