Solgen binira sa 'Truth'
MANILA, Philippines - Binatikos ni Negros Occidental Rep. Ignacio Arroyo si Solicitor General Anselmo Cadiz sa naging pahayag nito na patuloy umanong ibabasura ng Korte Suprema ang anumang magiging hakbang ng Truth Commission dahil sa mayorya sa mga mahistrado ay itinalaga ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.
Ayon kay Rep. Iggy, hindi dapat sisihin ni Cadiz ang Korte Suprema kung walang binatbat ang kanilang panig at hindi kasalanan ng Korte kung ibasura ang Executive Order no.1 na lumikha ng komisyon.
“Ang batas ay hindi kung ano ang kagustuhan ninyo, o kung ano ang gusto ninyong mangyari. Ang batas ay batas.” pahayag ni Iggy.
Pinayuhan ni Arroyo ang bumabatikos sa pagbasura ng komisyon ay dapat dumiretso na lang sa Ombudsman at Sandiganbayan kung palagay nila ay may sapat silang ebidensiya.
- Latest
- Trending