Toll hike sa NLEX, SLEX sa Enero 2011 kasado na
MANILA, Philippines - Inaasahang sabay-sabay na toll fee increase sa South Luzon Expressway (SLEX) at North Luzon Expressway (NLEX) ang sasalubong sa mga motorista sa Enero ng susunod na taon.
Ito ang inihayag kahapon ni Julius Corpuz, spokesman ng Toll Regulatory Board (TRB) sa ginanap na Balitaan sa Tinapayan sa Dapitan.
Ayon kay Corpuz, nakatakdang magsagawa ng public hearing para sa hinihinging 2.38 porsiyentong dagdag sa toll fee sa NLEX sa Disyembre 15 at inaasahang makakapagpalabas ng desisyon ang TRB bago matapos ang taon gayundin sa hinihinging pagtaas ng South Luzon Toll Company para sa toll fee increase sa Alabang hanggang Calamba-Sto.Tomas, Batangas.
Nabatid na isasama sa desisyong gagawin ng TRB para sa toll fee increase sa SLEX ang bubuksang extension, kung saan hindi na papasok sa main road ang mga motorista na lalabas sa Calamba exit patungong Sto.Tomas Bantangas.
“Ikukunsidera ng TRB yon,dahil sa halip 30 minuto-1 oras ang biyahe magiging pitong minuto na lang kapag binuksan ang extension. Malulugi naman ang investor kung hindi natin isasama sa increase ng toll fee ang extension,” dagdag pa ni Corpuz.
Maraming motorista ang sumusulat at humihiling sa TRB na buksan na ang naturang daan partikular na iyong mga bumibiyahe ng mga gulay at prutas.
- Latest
- Trending