^

Bansa

Laguna Lake project itutuloy ni Gov. ER

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Sinabi ng project manager ng Laguna Lake Rehabilitation Project (LLRP) na tama si Laguna Gov. Jeorge “ER” Ejercito Estregan sa pagpuna sa pambansang pamahalaan sa hindi pagpapatuloy ng dredging projects ng mababaw na lawa.

Iginiit ni Filiep De Zutter, isang civil engineer, na batay sa teknikalidad, hindi pa kanselado ang LLRP dahil ang pamahalaan ay hindi pa gumagawa at nagpapadala ng notice of cancellation para sa kanyang kumpanya, ang Baggerwerken Decloedt En Zoon (BDC).

Ayon kay De Zutter, malaon nang suportado ni Gov. Estregan ang proyekto dahil batid niya na ang mas malalim na Laguna de Bay ay makahahawak ng mas maraming tubig at makakababawas, kundi man makapapawi sa pagbaha sa 15 siyudad at bayan sa lalawigan.

Dahil sa kanselasyong inanunsyo ng Palasyo, wala nang mapagpilian si Estregan kundi ang makipag-usap sa ibang kumpanya na sang-ayong gawin ang proyekto sa apat na bahagdan at magkakahalaga ng P20 bilyon bawat taon, di hamak na mas mahal kaysa sa P18.7-bilyong LLRP na matatapos sa loob lamang ng 850 araw. 

AYON

BAGGERWERKEN DECLOEDT EN ZOON

DAHIL

DE ZUTTER

EJERCITO ESTREGAN

ESTREGAN

FILIEP DE ZUTTER

IGINIIT

LAGUNA GOV

LAGUNA LAKE REHABILITATION PROJECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with