^

Bansa

Distrito ng Iloilo gagawing 2

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Inaprubahan na sa ikatlong pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang paglikha ng karagdagang distrito sa lungsod ng Iloilo.

Binigyang-diin ni Iloilo Rep. Jerry P. Treñas na ang karagdagang legislative district sa naturang probinsiya ay sadyang kinakailangan at napapanahon.

“The present population, income and geographical dimension, more than qualify Iloilo City to merit another legislative district,” ani Trenas, chairman ng House Committee on Good Government.

Sa sandaling pagtibayin ang House Bill 2061, inaasahang magiging dalawa na ang tatayong kinatawan ng Iloilo City.

Ilang ulit na ring ti­nangkang makalikha ng ikalawang distrito sa Iloilo City simula noong Hunyo 4, 2008 subalit nanatili itong nakabitin.

Umaasa ang kongresista na kakatigan ng Senado ang patas na representasyon para sa mga taga-lalawigan.

Samantala, inaprubahan din ang House Bill 3692 na nagdaragdag naman ng bagong legislative district para sa Bacolod City.

vuukle comment

BACOLOD CITY

BINIGYANG

GOOD GOVERNMENT

HOUSE BILL

HOUSE COMMITTEE

HUNYO

ILOILO CITY

ILOILO REP

JERRY P

MABABANG KAPULUNGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with