^

Bansa

Batas vs killer toys inihirit

- Angie dela Cruz, Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon ang grupong EcoWaste Coalition sa pamahalaan ni Pangulong Benigno Aquino III na magpatupad ng mas mahigpit na batas at polisiya laban sa mga laruang gawa sa PVC (polyvinyl chloride) o soft plastic materials.

Ayon sa EcoWaste Coaliton, nangangamba silang higit pang darami ang bilang ng mga nakalalasong laruan na dumaragsa sa mga merkado lalo na sa tuwing sasapit ang buwan ng kapaskuhan.

Lumabas sa resulta ng laboratory test na ginawa ng naturang grupo, mayroong  toxic additives na phahalates ang anim sa pitong laruan na gawa sa PVC na may epekto sa kalusugan ng bawat batang gagamit nito,

Nabatid na anim sa pitong laruan na itinitinda sa mga bangketa ay gawa sa PVC na nakalalason lalo na sa mga bata na may edad 3 anyos pababa.

Matatandaan na noong Disyembre 23, 1999, nagpalabas ang Department of Health-Bureau of Food and Drugs (DOH-BFAD na kilala ngayon bilang Food and Drugs Administration) ng Advisory 99-05 kung saan nagbabala ang pamahalaan na maaaring maging sanhi ng pagkasugat ng atay at kidney, abnormalidad sa reproduksyon at may epekto rin sa  immune system ang phthalates.

Sinabi pa ni Thony Dizon, coordinator ng EcoWaste Coalition Project na PROTECT (People Responding and Organizing against Toxic Chemical Threats), batay umano sa kanilang imbestigasyon, hindi pinansin ng mga manufacturers at retailers ang naturang panawagan kaya’t kailangang umaksyon na ang gobyerno.

vuukle comment

AYON

COALITION PROJECT

COALITON

DISYEMBRE

DRUGS ADMINISTRATION

LUMABAS

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PEOPLE RESPONDING AND ORGANIZING

THONY DIZON

TOXIC CHEMICAL THREATS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with