^

Bansa

'Walang pondo para hanapin si Lacson'

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Hindi umano prayoridad ng pamahalaan ang paghahanap at pagdakip sa puganteng si Sen.Panfilo Lacson matapos na sabihin kamakailan ni Pangulong Noynoy Aquino na walang pondo para sa ikadarakip nito.

Bunsod nito, kinuwestiyon ni Negros Occidental Rep. Ignacio Arroyo kung ano ba ang tuwid na daan na sinasabi ng Pangulo.

Ayon kay Arroyo na tila hindi naiintindihan ng pa­ngulo kung bakit kailangang madakip agad si Lacson o sadya itong ayaw intindihin sapagkat kaalyado nito ang senador. ?

Idinagdag pa ni Arroyo na si Lacson ay hindi ordinaryong wanted sa umano’y pagpatay kina PR man Bubby Dacer at sa driver nitong si Manuel Corbito.

Sa pagtatago ni Lacson ay patuloy na sinisira nito ang imahe ng isang mam­babatas at nagmumukhang inutil ang gobyerno dahil hindi siya makita at kataka-takang hindi pa rin siya itinuturong prayoridad ng pamahalaan.

Isa rin umanong mala­king kalokohan, kundi man kaipokrituhan nang sabihin na walang sapat na pondo sa panukalang P2 milyong pabuya sa ikadarakip ni Lacson, gayung ilampung milyong piso ang ibinigay na budget sa Truth Commission para siyasating muli ang mga matagal nang nadesisyunang akusasayon laban sa Arroyo administration.

AYON

BUBBY DACER

BUNSOD

IGNACIO ARROYO

LACSON

MANUEL CORBITO

NEGROS OCCIDENTAL REP

PANFILO LACSON

PANGULONG NOYNOY AQUINO

TRUTH COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with