Metro Manila lunod na sa air pollution
MANILA, Philippines - Lunod na ang mga mamamayan sa Metro Manila sa “air pollution”.
Ito ang ibinulgar ni Rene Pineda, presidente ng Partnership for Clean Air (PCA) sa lingguhang forum sa Balitaan sa Dapitan matapos na makuha ang pinakahuling reading ng antas ng polusyon sa hangin sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA).
Sa reading na kanilang isinagawa sa EDSA ngayon taon, umabot na sa 282 micrograms ang reading sa air pollution kumpara noong 2009 na 138 micrograms.
Sinabi ni Pineda na ang average standard kung saan maari pang mamuhay ng normal ang mga mamamayan sa nabanggit na lugar ay 90 micrograms lamang.
Nagbabala si Pineda sa DENR na maghahain sila ng reklamo sa Supreme Court para pigilin ang mga programa at negosyo na nagiging sanhi ng pagtaas ng polusyon sa bansa base sa Clean Air Act.
- Latest
- Trending