Toll fee hike sasalubong sa 2011
MANILA, Philippines - Karagdagang toll fee rate ang napipintong bumulaga sa mga motoristang magdadaan sa South Luzon Expressway sa pagpasok ng Enero 2011.
Ito ang ipinahiwatig kahapon ni Julius Corpuz, spokesman ng Toll Regulatory Board (TRB), kasunod ng ginawang pag-alis ng Supreme Court sa umiiral na temporary restraining order (TRO) sa implementasyon ng 250-300% toll fee increase sa SLEX.
Sa lingguhang forum sa Balitaan sa Tinapayan sa Bustillos, pinag-aaralan na ngayon ng TRB kung ilang porsiyento ang itataas ng toll fee at iaanunsiyo ito sa mga susunod na araw.
Sinabi naman ni Isaac David, presidente ng South Luzon Toll Company na hindi umano nila gustong pahirapan ang mga tao kaya lamang ay may capital na ginastos ang kompanya para sa pagsasaayos ng mga kalsada.
Nilinaw din ni David na hindi naman aabot sa P300 ang toll fee mula sa P87 na binabayaran mula Alabang hanggang sa Sto.Tomas.
Iginiit din niya na mas magiging mabilis ang biyahe dahil wala nang trapik sa SLEX
- Latest
- Trending