1,000 abogado kailangan ng PAO para 'di lumutin ang mga kaso

MANILA, Philippines –  Nangangailangan ang Public Attorney’s Office (PAO) ng mahigit 1,000 abogado upang mapabilis na mabusisi ang mga kasong nakasampa dito.

Ayon kay PAO Chief Persida Acosta, ang may 300 bagong mga abogado na kinuha ng ahensiya ay hindi pa sapat upang maresolbahan agad ang mga clogged cases na nagbuhat sa iba’t ibang panig ng bansa.

Binigyang diin pa ni Acosta, kailangan ang mas matinding pagkakaisa ng law enforcement, prosecution, judiciary, corrections at ng komunidad upang magkaroon ng res­torative justice work sa bansa o ang pagsentro sa pangangailangan ng isang biktima o offenders sa halip na masentro sa pagtumbok agad sa pagpaparusa sa mga ito.

Dito, ang mga biktima ay binibigyan ng aktibong papel sa ipinaglalaban nito at ang offenders ay hinihimok na magsagawa ng responsibilidad na kumilos para maibalik ang nanakaw, humingi ng kapatawaran at pagsasagawa ng community service.

Anya, ang PAO ay responsable sa pagpapalaya sa may 10,000 bilanggo na napawalang sala ng mga korte sa bansa at ang iba naman ay napagdusa na sa kanilang sentensiya.

Show comments