Totoong Santo natatabunan ni Santa Claus kapag Pasko
MANILA, Philippines – Kontra ang Simbahang Katoliko sa nakaugalian na ang panahon ng Kapaskuhan ay pinagkakakitaan at gastos para sa dekorasyon at iba pang material na bagay.
Ayon kay Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Novaliches Bishop emeritus Teodoro Bacani, ang maingay na pagdiriwang ay kabaligtaran ng tahimik na panalangin na inaasahan sa Kristiyano bilang pag-alala sa pagsilang ni HesuKristo.
“Ang idea nitong ating society lumalayo talaga kay Kristo under the influence of secularistic ideology,” ani Bishop Bacani.
Mas nangingibabaw umano sa Kapaskuhan ang mga estatwa at imahe ni Santa Claus sa bawat sulok ng pamayanan at unti-unti nang nawawala ang mga imahe nina Jesus at Mary.
“Si Santa Claus nakakatulong yan sa consumerism. Si Santa kasi ay symbol ng pagbili at pagregalo. Si Christ ay simbolo ng pag-aalay ng buhay para sa kapwa tao. Eh mas mabili si Santa para sa commercial,” ayon pa kay Bacani.
“Let us keep Christ at Christmas. Let us project Christ at Christmas. Let us project the love that God had shown us and Christ. And project it not only by Christmas carols and by our words but by our loving deeds and compassion for our fellow human beings during this Christmas time,” paalala ni Bishop.
- Latest
- Trending