^

Bansa

SRP sa asukal suspendido muna

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Pansamantalang sinuspinde ng National Price Coordinating Council (NPCC) ang suggested reference price (SRP) para sa asukal ngayong Disyembre.

Inanunsiyo umano ito sa NPCC meeting kahapon matapos na magreklamo na ang mga Groceries at Supermarkets  Associations sa mababang P56 kada kilo na SRP sa asukal kasabay ng bantang ipu-pull out ang stock na asukal sa merkado kung pananatilihin ang presyo nito.

Sa pahayag ng Department of Agriculture (DA), sinabi umano ng mga retailers na binibili nila ang refined sugar sa halagang P65 kada kilo kaya hindi na ito maaaring ibenta sa merkado ng P56 kada kilo.

Nasisira na rin umano ang kanilang negosyo dahil madalas na naiisyuhan ang mga retailers ng show cause directives dahil sa pagbebenta ng asukal sa presyong mas mataas sa SRP.

Tiniyak naman ni SRA Administrator Gina Bautista Martin na magbabalik din agad ang normal na presyo ng asukal dahil mag-uumpisang muli ang milling at refining ng asukal ngayong Disyembre.

ADMINISTRATOR GINA BAUTISTA MARTIN

ASUKAL

DAHIL

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DISYEMBRE

INANUNSIYO

NASISIRA

NATIONAL PRICE COORDINATING COUNCIL

PANSAMANTALANG

TINIYAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with