Stradcom may bagong opisyales

MANILA, Philippines - Pormal ng inihayag ng lehitimong grupo ng Stradcom ang mga bagong opisyal ng naturang kumpanya kung saan agad nilang binisita si LTO Chairman Assistant Secretary Virginia Torres upang ilatag ang kanilang ganap na pakikiisa sa mga layunin at programa ng LTO.

Sinabi ni Archie Inlong, tagapagsalita ng Stradcom, nailuklok bilang chairman ng kumpanya si Aderito Yujuico at si Bonifacio Sumbilla bilang presidente. Sa ilalim ng liderato nila ay kanilang ibabalik kaagad sa mga motorista ang nasingil ng RFID o radio frequency identification na naiutos na rin ng korte na ibalik sa mga nakapagbayad na.

Nangako din ang grupo nina Sumbilla na makikipagtulungan sila sa LTO para naman magkaroon ng kita o kapakinabangan ang ahensya sa pamamagitan ng pagbibigay ng bahagi ng kita ng Stradcom sa LTO.

Show comments