Mga babaeng nagtatrabaho sa gabi delikado sa cancer

MANILA, Philippines – Delikado umano sa sakit na cancer ang mga babaeng nagtatrabaho sa gabi o nasa night shift work.

Ayon sa Institute for Occupational Health and Safety Development, isang non-profit, non-governmental health and safety organization, risky sa sinuman ang magtrabaho ng gabi laluna ng mga babae dahil humihina ang produksiyon ng katawan ng melatonin, isang anti-oxidant na nagpapababa sa level ng estrogen.

Kapag mataas ang estrogen, maaaring magkaroon ang isang babae ng breast cancer. Sinasabing sa Estados Unidos, karamihan sa mga babaeng nasa night shift ay may breast cancer tulad ng mga nurses na nasa night shift ang duty.

Binigyang diin ng OHSAD na dapat ay hindi pinapayagan ng DOLE na magtrabaho sa gabi ang babae laluna ang mga buntis dahil sila ay risky sa cancer.

Anang grupo, alinsunod sa Article 130 ng saligang batas, hindi nito pinapayagan ang mga kababaihan na magtrabaho sa gabi o mula alas-9 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga para makaiwas ang mga ito na magkaroon ng sakit na cancer dahil mas madaling magkaroon nito ang mga babaeng nasa night shift kaysa sa mga lalaking nagtatrabaho ng night shift tulad ng sa call center, ospital, guwardiya at iba pa.

Sa Pilipinas ang sakit na cancer na ugat ng night shift ay hindi compensable disease o walang matatanggap na benepisyo dahil sa sakit na ito.

Show comments