P2-M sa ulo ni Ping
MANILA, Philippines – Inindorso na ng Department of Justice (DOJ) ang pagbibigay ng P2 milyong reward money para sa ikaradakip ni Senador Panfilo “Ping” Lacson.
Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na ang halaga ay ipinanukala ng Philippine National Police at hihintayin na lamang ng DOJ ang approval ni DILG Secretary Jesse Robredo.
Naniniwala si de Lima na dahil sa reward money ay mapapadali ang pag-aresto o pagsuko ni Lacson.
Una nang hiniling ng abogado ni dating Police Supt. Cezar Mancao na si Atty. Ferdinand Topacio na dapat maglaan ng pabuya ang DOJ upang mabilis na maaresto si Lacson at tumulong ang publiko sa paghahanap sa nagtatagong senador.
Samanta, sinabi pa ng Kalihim na natutukoy na ng elite team ng NBI ang kinaroroonan ni Lacson na umano’y narito lamang sa Metro Manila.
Binigyan na lamang niya ng ilang araw ang grupo upang maaresto si Lacson dahil hindi umano sapat ang matukoy l amang ang lugar na kinaroroonan nito.
Ang pinakamahalaga umano ay maaresto ito at maisilbi ang warrant of arrest upang harapin ang Dacer-Corbito double murder case.
- Latest
- Trending