Liz may kapalit agad kay P-Noy
MANILA, Philippines – May panibagong apple of the eye si Pangulong Noynoy Aquino na ‘nakasama’ nito sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang pinsan kamakailan sa Makati City.
Ayon sa impormante, nasa mid 20’s ang sinasabing bagong ‘nagpapatibok ng puso’ ni Pangulong Aquino na nakilala umano niya sa birthday party ng pinsan nitong si Tony Boy Cojuangco noong Biyernes.
Ayon pa sa source, matagal na nakausap ng Pangulo ang sinasabing ‘mystery girl” sa naturang okasyon.
Napag-alaman na family friend at mga kamag-anak lamang ng mga Cojuangco ang imbitado sa nasabing party.
Napabalitang “binasted” ang Pangulo ng kanyang hair stylist na si Liz Uy dahil mas nais daw ng dalaga, na ex-gf ni John Lloyd Cruz, na manatiling magkaibigan sila ng Presidente.
- Latest
- Trending