^

Bansa

Vizconde convict pinalaya na!

- Gemma Amargo-Garcia, Danilo Garcia -

MANILA, Philippines – Matapos ang halos 15 taong pagkakabilanggo, tuluyan nang nakalaya kahapon sa New Bilibid Prison (NBP) si dating PO1 Gerardo Biong, isa sa akusado sa Vizconde massacre noong 1991.

Base sa 5-pahinang endorsement letter ng Department of Justice para kay NBP Director Ernesto Diokno, si Biong ay kabilang sa 124 bilanggo na inirekomendang mapalaya ng DOJ.

Nakasaad sa liham na noon pang Nobyembre 24 nagtapos ang sentensya ng mga bilanggo at si Biong ay pang-61 sa mga preso na sakop ng naturang kautusan.

Ayon kay Atty. Ricardo Valmonte, abogado ni Biong, orihinal na 12 taon lamang ang sentensya sa kanyang kliyente ngunit umabot pa sa 15 taon ang pinagsilbihan nito.

Pangunahing pinasalamatan naman ni Biong ang Panginoon sa kanyang paglaya na sinabing nais niyang maglingkod sa kanyang sinalihang “Jesus Miracle Crusade” sa kanyang nalalabing mga taon. Sinabi nito na nagbalik-loob siya sa Diyos habang nasa loob ng bilangguan at naging pastor pa sa kanyang mga kapwa preso.

Nanindigan naman si Biong na inosente siya sa mga akusasyon laban sa kanya at wala siyang sinisirang ebidensya. 

Tumanggi na rin itong magkomento kung inosente o guilty ang pangunahing akusado na si Hubert Webb sa pagpaslang sa mga miyembro ng pamilya Vizconde. 

Sinabi rin ni Biong na hindi na siya interesado pa na isama ang kanyang sarili sa naturang kaso kahit na kunin pa siya ng korte bilang testigo upang maresolba ang kaso.

Dapat sanang nakalaya si Biong nitong nakaraang Nobyembre 24 ngunit naantala ito ng ilang araw dahil sa pagproseso ng mga papeles at mahabang weekend.

Magugunita na si Biong ay kinasuhan dahil sa paglilinis nito ng mga ebidensya sa kaso ng Visconde massacre.

Base sa rekord, unang nakulong si Biong sa Parañaque City Jail noong Setyembre 5, 1995 dahil sa pagsunog umano sa duguang bedsheets ng mga Vizconde sa naganap na masaker noong 1991. Nahatulan naman ito noong Enero 6, 2000 sa kasong “accessory to the crime” at inilipat sa NBP.

Nauna na ring sinabi ni Diokno na kahit na aprubahan ng DOJ ang release order ni Biong ay hindi pa rin ito maaring makalabas ng bilangguan dahil mayroon pang nakabinbing motion for reconsideration sa Court of Appeals (CA).

Samantala, naghain naman ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ng opposing letter kay de Lima upang bawiin ng DOJ ang release order ni Biong.

Ang nasabing sulat ay inilagdaan ni VACC President Dante Jimenez kung saan iginiit nito na si Lauro Vizconde ay aggrieved party at may karapatan na maimpormahan at mabigyan ng oportunidad na marinig ang panig nito bago ma-issue ang nasabing kautusan.

BIONG

CITY JAIL

COURT OF APPEALS

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIRECTOR ERNESTO DIOKNO

GERARDO BIONG

HUBERT WEBB

JESUS MIRACLE CRUSADE

VIZCONDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with