^

Bansa

Harassment cases binanatan ng Ombudsman!

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Mariing tinuligsa ng Office of the Ombudsman ang tinagurian nitong “vain and unethical” na pagsasampa ng R-II Builders Inc. ng patung-patong ngunit walang basehang mga kaso kaugnay ng maano­malyang Smokey Mountain project na kinasasangkutan ng naturang kumpanya ni Reghis Romero.

Ang maanghang na pahayag ay ginawa ng Ombudsman kasabay ng pagdismis sa reklamong “misconduct” na isinampa ni Jerome Canlas para sa R-II laban sa pitong opisyal ng Home Guaranty Corporation (HGC), isang government-owned corporation.

“R-II Builders and or its officers have been filing unfounded cases against HGC and its officers in relation to the Smokey Mountain project,” ani Ombudsman Merceditas Gutierrez sa desisyon na inaprubahan niya noong Nov. 12.

Kinatigan ng Ombudsman ang pahayag ng HGC na – taliwas sa alegasyon ng R-II – walang nangya­ring underpricing sa pagbebenta nito ng 28,926 square meters na lupain sa La Paz Milling Corp., sa presyong P384,715,800 o P13,300 per square meter (sqm).

Ang mga pinawalang-sala ng Ombudsman ay sina HGC officials Gonzalo Borlongan, president; Elmer Cadano, executive vice president; at vice presidents Melinda Adriano, Rafael delos Santos, Corazon G. Corpuz, Danilo Javier at Jimmy Sarona.

Ayon sa Ombudsman, ang naturang kaso ng R-II ay isa lang sa sandamakmak na asuntong isinampa na ng kumpanya ng mga Romero upang magipit ang HGC at makakolekta ng bilyun-bilyong piso na kita kahit napakaliit naman ng naging sosyo nito sa Smokey Mountain project.

Katunayan, P3.1 bilyon ang kinailangang ipautang ng government agencies tulad ng SSS, OWWA at NHA para matuloy lang ang proyekto na ginarantyahan ng HGC.

BUILDERS INC

CORAZON G

DANILO JAVIER

ELMER CADANO

GONZALO BORLONGAN

HOME GUARANTY CORPORATION

JEROME CANLAS

JIMMY SARONA

LA PAZ MILLING CORP

SMOKEY MOUNTAIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with