MANILA, Philippines - Aabutin ng 10 taon ang hihintayin ng pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre para makamit ang hustisya.
Sa ginanap na lingguhang Forum sa Tinapayan sa Bustillos, sinabi ni Dante Jimenez, founding chairman ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), magiging mahaba ang paglilitis sa kaso dahil bukod sa 57 ang biktima, tiyak umano na maghahain pa ng napakaraming postponement ang kampo ng mga Ampatuan. Aniya, dapat umanong malimitahan ang mga mosyon na ihahain ng mga akusado.
Sanhi nito, humingi ng tulong si Jimenez sa media na makipagtulungan sa kanila para mapabilis ang kaso at mabago ang bulok na sistema umiiral sa “justice system” ng bansa.
Hindi rin umano pabor si Jimenez sa pagbuo ng “Special court” para humawak ng mga high profile cases tulad ng sa Maguindanao massacre.