^

Bansa

'Walang deployment ban sa Korea'

Nila - Doris Franche/Rudy Andal/Ellen Fernando/Mer Layson -

MANILA, Philippines - Wala umanong ipinaiiral na deployment ban ang pamahalaan laban sa South Korea sa kabila ng gulong nagaganap sa Korean Peninsula.

Ayon kay Labor Sec. Rosalinda Baldoz, may 55 OFW na paalis sana ngayong Nobyembre 30 subalit ipinagpaliban ang biyahe sa Disyembre 7 bilang bahagi ng “caution and prudence.”

Wala rin naman aniyang kautusan si Pa­ngulong Aquino para sa pagpapatupad ng deployment ban.

Sinabi naman ni De­puty Presidential Spokesman Abigail Valte na nagkaroon lamang ng confusion o pagkalito sa kanyang naging pahayag na deployment ban. Ang pansamantalang ban ay epektibo lamang umano ng pitong araw o isang linggo kung saan naapektuhan at napigil ang 55 OFWs na patungo na sana sa Seoul.

Sa report naman ni special envoy ret. Gen. Roy Cimatu sa DFA at nasa Seoul ngayon na walang dapat ikabahala sa pagpapadala ng mga OFWs dahil normal pa ang sitwasyon sa Sokor. Aniya, nananatiling nasa alert level 1 ang Sokor na maituturing na hindi pa delikado.

Sinabi ni Cimatu na inikot nila ang Seoul at nakitang normal ang sitwasyon, walang putukan at hindi rin nagdeklara ang Sokor government ng  “state of emergency”.

Kahapon ay itinuloy na rin ang joint war games exercise ng  United States at South Korean military na sinalihan ng USS George Washington nuclear-powered aircraft sa Yellow Sea.

Bunga nito, hinihintay na ng Sokor at buong mundo ang magiging reaksyon o ganti ng Nokor matapos magbabala ang Nokor na magsasagawa sila ng panibagong pag-atake o maglulunsad ng giyera sa Sokor kapag itinuloy ang nasabing  war games exercise.

GEORGE WASHINGTON

KOREAN PENINSULA

LABOR SEC

NOKOR

PRESIDENTIAL SPOKESMAN ABIGAIL VALTE

ROSALINDA BALDOZ

ROY CIMATU

SINABI

SOKOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with