^

Bansa

Ahensiya na tututok lang sa trapik, giit

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Gusto ng mga kongresista na kasapi sa House Committee on Metro Manila Development Committee na maglagay ng isang bagong ahensiya na siyang mangangasiwa sa trapiko at problema sa parking dahil hindi anila ito matugunan ng MMDA, LTO at LTFRB.

Ayon kina Navotas Rep. Toby Tiangco, chairman ng komite, San Juan City Rep. JV Ejercito at Taguig Rep. Sigfredo Tinga, ang panukalang bagong ahensiya na itatayo ang dapat magpatupad ng regulasyon sa trapiko sa kamaynilaan para maresolba ang lumalalang problema sa pagsisikip ng mga sasakyan.

Sa ginawang pagdinig, sinabi ni Tiangco, chairman ng komite at dating Navotas mayor, na kaya matindi ang trapiko sa kamaynilaan ay dahil ang bawat siyudad at bawat ahensiya ay may kani-kaniyang regulasyon at alintuntunin na ipinatutupad sa trapiko.

“Bukod sa MMDA ay nagpapatupad din ng batas trapiko ang LTO at may kanya-kanya ring traffic enforcers  ang bawat siyudad at munisipalidad sa Metro Manila,” sabi ni Rep. Ejercito na dati ring naging San Juan Mayor.

vuukle comment

EJERCITO

HOUSE COMMITTEE

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT COMMITTEE

NAVOTAS REP

SAN JUAN CITY

SAN JUAN MAYOR

SIGFREDO TINGA

TAGUIG REP

TOBY TIANGCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with